Mabini, Pangasinan (December 7, 2021) – Tuwa at kasiyahan ang naramdaman ng mga residente sa lungsod ng Mabini, Pangasinan, matapos makatanggap ng tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pamamagitan ng Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan Towards National Recovery noong December 7, 2021.
Pinangunahan ni Police Major General Bartolome R Bustamante, Director for Police Community Relations ang nasabing aktibidad at binigyan diin niya na ang layunin ng programa ay maipadama ang malasakit ng gobyerno sa nasabing bayan.
“Ang mga ahensya ng gobyerno ay nagsama-sama para madala sa mismong kababayan ang mga serbisyo para maramdaman ang malasakit ng gobyerno,” pahayag ni PMGen Bustamante.
Higit kumulang 2,000 residente sa 16 na Barangay ng Mabini, Pangasinan ang nabiyayaan ng iba’t ibang tulong mula sa ahensya ng gobyerno. Kasama sa tumulong sa pamamahagi ng ayuda ay ang grupo ng Camp Crame Eagles Club sa pangunguna kanilang Presidente na si Eagle Gerry Libot, Jojo Duenas ng Crame Responders Eagles Club at Analiza Gonzales ng Camp Crame Royal Queen Eagles Club.
Tumanggap ang mga residente ng libreng bitamina, gamot, relief packs, goods, mga pananim at iba’t ibang serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno.
Itinurn-over din ang mga handheld radio device at megaphone sa 16 barangay captains habang ang Brgy. Barlo ay nakatanggap ng solar lights.
Kasama sa nasabing aktibidad sina Police Brigadier General Eric E. Noble, Director for Police Community Affairs and Development Group; Police Brigadier General Emmanuel Peralta, Regional Director, Police Region Office 1; Police Colonel Richmond Tadina, Provincial Director Pangasinan at Mayor Ariel De Guzman.
#####
Panulat ni: Police Staff Sergeant Marvin Jake E Romero
Salamat po PRRD Govt
Godbless Team PNP
Mabuhay ka Marvin jake
Good job
Good job sir