Sa layuning maabot ang mga kababayan sa malalayong lugar at palakasin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad, matagumpay na isinagawa ng Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB 15) sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Charles L. Domallig, Force Commander, ang “Panag-aywan Iti Kailyan” Project noong ika-16 ng Mayo 2025 sa PRO Cordillera Multi-Purpose Center, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.



Tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng tulong sa mga benepisyaryo tulad ng mga wheelchair, gamot, grocery packs, at iba pang mga pangunahing pangangailangan.

Sa mensahe ni PCol Domallig, kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan, “Ang tunay na tagumpay ng aming serbisyo ay nasusukat hindi lamang sa katahimikan kundi sa dami ng buhay na aming naaabot at natutulungan.”
Lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa tulong na kanilang natanggap, tulad ni Mang Ernesto mula sa isang barangay sa Itogon, “Sa hirap ng buhay ngayon, malaking bagay itong tulong na ito para sa amin. Hindi kami nakakalimutan ng kapulisan.”