Enrile, Cagayan – Namigay ng mga gulay ang Enrile PNP sa mga residente ng Barangay Divisoria, Enrile, Cagayan nitong Sabado ika 9:00 ng umaga ng Hunyo 24, 2022.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Precil Morales, Deputy Chief of Police ng Enrile Police Station.
Ito ay bilang pagsuporta sa Duterte Legacy Caravan at PNP Community Outreach Program.
Humigit kumulang 30 residente ng nasabing barangay ang nakatanggap ng sari-saring mga gulay.
Layunin nitong mabigyan ng pangunahing serbisyo ang mga mamamayan na lubos na apektado ng pandemya at palakasin ang ugnayan ng PNP at komunidad.
Source: #EnrilePCR
###
Panulat ni PSMS Marisol A Bonifacio