Enrile, Cagayan – Namigay ng mga gulay ang Enrile PNP sa mga residente ng Barangay Inga, Enrile, Cagayan noong Mayo 28, 2022.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Precil Morales, Deputy Chief of Police ng Enrile Police Station kasama ang BFP Enrile, Special Action Force sa pangunguna ni Police Lieutenant Eduardo Nambuca, mga miyembro ng Brgy. Based Advocacy sa pangunguna ni Hon. Christina Cuntapay, Brgy. Captain.
Ito ay bilang pagsuporta sa Duterte Legacy Caravan at PNP Community Outreach Program.
Humigit kumulang 30 residente ng nasabing barangay ang nakatanggap ng sari-saring mga gulay.
Layunin nitong mabigyan ng pangunahing serbisyo ang mga mamamayan na lubos na apektado ng pandemya at palakasin ang ugnayan ng PNP at komunidad.
Source: #EnrilePCR
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin