Enrile, Cagayan – Namigay ng mga gulay ang Enrile PNP sa mga residente ng Barangay Maracurru, Enrile, Cagayan noong Mayo 14, 2022.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Precil Morales, Deputy Chief of Police ng Enrile Police Station bilang pagsuporta sa Duterte Legacy Caravan at PNP Community Outreach Program.
Tinatayang 50 residente ang nakatanggap ng sari-saring mga gulay ng nasabing barangay.
Layunin nitong mabigyan ng pangunahing serbisyo ang mga mamamayan na lubos na apektado ng pandemya at palakasin ang ugnayan ng PNP at komunidad.
Source: #EnrilePCR
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin