Saturday, March 7, 2026

Pamilya ng mag-asawang Agta sa Gattaran, muling nabigyan ng tulong sa Ilalim ng Revitalized Project TULAY AKO

Muling nabigyan ng reintegration assistance ang pamilya ng isang mag-asawang Agta na dati’y nalinlang ng makakaliwang grupo sa isinagawang pagbisita noong ika-26 ng Pebrero 2026, sa bayan ng Gattaran, Cagayan.

Pinangunahan ni PMaj Jefferson D Mukay, Acting Force Commander, ang aktibidad bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng revitalized Project TULAY AKO. Layunin ng programa na tiyakin ang tuloy-tuloy na suporta ng pamahalaan sa mga indibidwal na nagbalik-loob, upang sila ay makabangon at maging produktibong bahagi ng komunidad.

Matatandaang nauna nang nabigyan ng paunang tulong ang naturang pamilya. Sa pinakahuling pagbisita, muling naghatid ang kapulisan ng pagkain, tinapay, bigas at pera mula sa kapulisan at myembro ng Company Advisory Group bilang bahagi ng kanilang reintegration support. 

Isinagawa rin ang masusing assessment para sa planong pagpapatayo ng isang maayos at disenteng tirahan (libreng pabahay) para sa pamilya ng mag-asawa, sa pakikipag-ugnayan sa LGU, Barangay at 2nd CPMFC Company Advisory Group bilang bahagi ng kanilang pagbabagong-buhay.

Ang naturang inisyatiba ay nakaangkla sa mga layunin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nagsusulong ng Whole-of-Nation Approach sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran sa pamamagitan ng komprehensibong reintegration at development support para sa mga nagbabalik-loob.

Patuloy naman ang panawagan ng kapulisan sa mga naliligaw ng landas na magbalik-loob na at may mga programang iniaalok upang makapagsimula ng panibagong yugto ng kanilang buhay sa ilalim ng isang mapayapa at maunlad na komunidad tungo sa bagong Pilipinas.

Source: 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company / https://www.facebook.com/share/p/1AfFAgPsUS/

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
5,060SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles