Camp Crame, Quezon City – Ginunita ng Pambansang Pulisya ang National Heroes Day sa pamamagitan ng isang Traditional Flag Raising Ceremony sa National Headquarters, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City nito lamang umaga ng Lunes, Agosto 29, 2022.
Pinangunahan ito ni PLtGen Chiquito Malayo, The Deputy Chief PNP for Administration, na dinaluhan naman ng Command Group, mga Direktor at ng lahat ng mga tauhan nito mula sa iba’t ibang National Support Unit.
Tampok sa kaganapan ang Wreath-laying Ceremony bilang pagbibigay pugay sa walang katumbas na katapangan na ipinamalas ng lahat ng mga bayani upang makamtan ang tinatamasang kalayaan ngayon ng bansa.
Sa naging mensahe ni CPNP na ipinaabot ni PLtGen Malayo, na pinaalalahanan ang lahat ng mga tauhan ng PNP na ipagpatuloy na isabuhay ang katapangan ng ating mga bayani sa paglaban sa anumang uri ng kriminalidad.
Aniya, “Today, we reaffirm our commitment to the peace and security that our heroes fought and died for. With this commitment, we remain on the battlefield against crime, illegal drugs, corruption, and terrorism even as we continue our tireless pursuit of cleansing our backyard of members unfit to be called the nation’s protectors and public servants.”
“Guided by the peace and security framework dubbed as “M+K+K=K”, “Malasakit, Kaayusan, Kapayaan tungo sa Kaunlaran” and the “KASIMBAYANAN Program”, let us continue to stand in solidarity as we work together for the full realization of the government’s aspiration of a safer, peaceful, more progressive and stronger equitable society,” dagdag pa niya.