Northern Samar – Naghandog ang mga tauhan ng Mapanas Municipal Police Station ng maagang pamasko para sa mga kabataan ng Sitio Angeles, Brgy. Manaybanay, Mapanas, Northern Samar nito lamang Biyernes, Disyembre 9, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Marco Estillero, Officer-In-Charge ng Mapanas MPS kasama ang mga tauhan nito.
Ang naturang aktibidad ay naisagawa sa pamamagitan ng Feeding Program at Gift Giving ng mga bagong damit na naipamahagi sa humigit kumulang 150 na mga bata sa barangay.
Layunin ng programa na maipakita ang tulong at kooperasyon ng bawat isa at alinsunod sa peace and security framework ni CPNP na MKK=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran) sa ilalim ng KASIMBAYANAN Program na ang hangad ay maipakita ang malasakit na serbisyo sa mamamayan para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng komunidad.