Nagbigay kasiyahan ang Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company sa isingawang Pamaskong Handog para sa mga katutubong Dumagat na residente ng Brgy. Dinalungan at Casiguran, Aurora nito lamang Huwebes, ika-21 ng Disyembre 2023.

Pinamunuan ito ni Police Lieutenant Colonel Cielo Caligtan, Force Commander ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company.
Nakatanggap ng grocery packs ang mga nasabing benepisyaryo na labis ang pasasalamat sa ipinamigay ng konting tulong.

Patuloy ang paghahatid ng serbisyo ng Aurora 2nd PMFC upang panatilihin ang kanilang magandang ugnayan sa kanilang nasasakupan.
Source: Aurora 2nd PMFC
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera