Ermita, Manila (December 24, 2021) – Tiniyak ng National Capital Region Police Office sa ilalim ng pamumuno ni PMGen Vicente Danao Jr, na ang 300 street children ay makaranas ng mahiwagang pasko sa pamamagitan ng Gift Giving Activity na ginanap nakaraang Disyembre 24, 2021 sa Open Air Auditorium, Rizal Park, Ermita, Manila.
Kasama ng mga tauhan ng Manila Police District sa pangunguna ni PBGen Leo Francisco, ang Team NCRPO, iba pang mga opisyal at kawani ng MPD na naghanda sa lugar kung saan naranasan ng mga bata ang diwa ng pasko na puno ng saya sa pamamagitan ng fish ball stand, photo booth, iba’t ibang mga laruan, iba’t ibang mga pagkain (ice cream, congee, cotton candy, at taho) na talaga namang masasabi na paboritong kainin ng mga bata. Gayundin, sila ay nakatanggap ng cash gift, mula sa pamilya ni RD Danao.
May Mascot at Magic show din sa lugar upang aliwin ang mga bata. Ipinakita rin ng NCRPO Band ang kanilang galing sa pagkanta habang ipinamalas naman ng RCADD Dancers, PNP Fitness Team (RPCADU NCR) at MPD Dancers ang kanilang nakakabaliw na mga dance move. Bahagi rin ng aktibidad ang libreng gupit mula sa mga tauhan ng RMFB NCRPO, namigay rin ang TEAM NCRPO ng Christmas Gifts (grocery bags) sa 150 residente na naninirahan sa kahabaan ng riles na matatagpuan sa Brgy. Tanyag, Taguig City.
Wika ni RD Danao, “Nais po nating iparamdam ang espiritu ng pagmamahal at kasiyahan lalo na sa puso ng ating mga kabataan. Ang pasko ay mananatiling para sa mga bata kaya naman ang team NCRPO ay narito upang magbigay ng kaunting pamasko at kasiyahan sa inyong lahat”. Naniniwala din siya na ang Pasko ay tungkol sa pagbabahagi at pagpapaabot ng tulong sa mga nangangailangan, kaya ang pagbibigay ng regalo ay taun-taon na isinasagawa ng Team NCRPO.
#####
Panulat ni: Patrolwoman Nica V Segaya
Salamat sa mga Kapulisan