Batangas – Nagsagawa ng “Pamaskong Handog” ang Regional Mobile Force Battalion 4A-Counter Urban and Rural Area Operation Team sa Sitio Camantigue, Brgy. Tumaway, Talisay, Batangas nito lamang Disyembre 20, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Maria Ailyn Franca, Team Leader, CURAO-RMFB4A, sa direktang superbisyon ni Police Lieutenant Colonel Agosto Asuncion, Acting Force Commander, RMFB 4A.

Tinatayang 100 pamilya ng mga dating rebelde ang nabiyayaan ng grocery packs na naglalaman ng toyo, suka, de lata, tinapay at noodles.

Laking tuwa at pasasalamat naman ang sambit ng mga nakatanggap ng tulong mula sa mga sponsors tulad ng NutriAsia, Gardenia Bakeries Philippines Inc, CDO Malvar, Nestle Philippines, Nissin Philippines at Monde M.Y. San Corporation.
Layunin nitong ipadama sa mga dating nalinlang ng mga rebelde na ang gobyerno katuwang ang pulisya at mga stakeholders ay handang tumulong para magbago ang buhay tungo sa mapayapa, maayos at ligtas na pamumuhay.
Source: Regional Mobile Force Battalion 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin