San Fernando, Bukidnon – Isinagawa ng Revitalized-Pulis sa Barangay Team Halapitan ang Pamaskong Handog sa Sitio Ilian, Brgy. Halapitan, San Fernando, Bukidnon nito lamang Lunes, Disyembre 12, 2022.
Ayon kay Police Captain Jason Felicilda, Company Commander ng 1003rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 10, nasa 150 piraso ng food packs ang naibahagi sa mga piling residente at mga pares ng tsinelas naman para sa kabataan.
Naging imposible ang aktibidad dahil sa pagtutulungan ng 1003rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 10, 88 Infantry Battalion ng Philippine Army, ang presensya ni Ms Hazel Suarez at iba pang volunteers.
Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa pamaskong handog ng R-PSB Team Halapitan na naging daan upang mas maramdaman ang totoong diwa ng pasko na kaugnay sa CPNP peace at security framework na M+K+K=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan Tungo sa Kaunlaran), sa ilalim ng Programang KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan).
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz