Suyo, Ilocos Sur – Naghatid ng Pamaskong Handog ang Suyo PNP sa Brgy. Urzadan, Suyo, Ilocos Sur nito lamang Huwebes, Disyembre 15, 2022.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Giron Oncheta, Officer-In-Charge ng Suyo Police Station ang pamamahagi ng mga pares ng tsinelas sa mga mag-aaral ng Urzadan Elementary School bilang regalo sa mga ito.
Katuwang sa matagumpay na aktibidad si Ginoong Danilo Zamora isang retiradong pulis at iba pang mga volunteers.
Labis ang tuwa naman ng mga guro at napili ang kanilang paaralan bilang benepisyaryo sa nasabing aktibidad.
Nagpasalamat din ang mga mag-aaral sa natanggap na maagang pamasko mula sa Suyo PNP at maiparamdaman ang totoong diwa ng pasko na kaugnay sa CPNP peace at security framework na M+K+K=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan Tungo sa Kaunlaran), sa ilalim ng Programang KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan).
Source: Suyo Police Station
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan