Nagsagawa ng imbestigasyon ang mga rumespondeng tauhan ng Agusan del Sur PNP sa isang insidente ng pamamaril na naganap sa P-13 Barangay Sta. Irene Prosperidad, Agusan del Sur, bandang 8:00 ng gabi ng Mayo 19, 2024.
Kinilala ang namatay na biktima na si alyas Ferdinand, 54 taong gulang, at residente ng Barangay Sta Irene, Prosperidad, Agusan del Sur.
Batay sa report, nakatanggap ang mga tauhan ng Prosperidad Municipal Police Station ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen na nagpapaalam sa kanila tungkol sa insidente ng pamamaril sa nabanggit na lokasyon nang bigla siyang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ng .45 caliber pistol na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala mula sa kalibre .45 na pistol.
Samantala, kasalukuyang nakahimlay ngayon ang bangkay ng biktima sa Saint Peter Funeral Homes, Hubang, San Francisco, Agusan del Sur, para sa post-mortem examination.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon at Hot pursuit operation ng Agusan del Sur PNP para sa posibleng pag-aresto sa suspek upang matigil ang ganitong insidente at mapanatili ang kaayusan at kaligtasang ng bawat mamamayan.
Panulat ni Pat Karen A Mallillin