Cauayan City, Isabela – Namahagi ng story books at story audio compact disk ang 2nd Isabela PMFC bilang pagpapatuloy na implementasyon ng Best Practices Project BUKLAT-MULAT (Libro ay Buklatin Mag-aaral Upang Landas ay Tumuwid) sa mga mag-aaral ng Mababang Paaralan ng Minante II, Cauayan City, Isabela noong ika-11 ng Oktubre 2022.
Sa pamumuno ni PLtCol Dennis M Pamor, Force Commander na pinangunahan ni PLt George Gines, Operations PCO, ang malugod na pamamahagi ng mga nasabing story books at story audio compact disk kung saan malaking tulong ito sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa nabanggit na eskwelahan.
Ipinabatid naman ni PLt Gines sa mga guro na mas lalo pang pagsikapang gabayan ang mga mag-aaral para sa magandang kinabukasan at tungo sa maunlad na komunidad.
Layunin nito na mahikayat ang mga mag-aaral sa pagbabasa at masusing pakikinig upang mapanatili ang pagkakaroon nila ng kaalaman. Isa pa dito ang mainam na mas mananatili sa kanilang isipan ang kanilang nabasa at napakinggan kaya malaking pasasalamat ng mga guro sa nasabing paaralan sa pagbibigay ng kapulisan ng mga kasangkapan sa pag-aaral ng kanilang mga estudyante.
Source: 2nd IPMFC
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos