Alinsunod sa Adopt a Family Program ng PNP, nagsagawa ng PNP Good Deeds ang PNP sa pamamagitan ng pamamahagi ng iba’t ibang klase ng gulay at groceries sa Brgy. Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya noong Nobyembre 18, 2022.
Sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Reynaldo S Agrave, OIC ng 3rd Maneuver Platoon ng Nueva Vizcaya PMFC, naipamahagi ng mga miyembro ng kapulisan sa 3rd Platoon ang mga gulay, bigas at groceries kay Ginang Susan T Paggad, 67, isang PWD, residente ng nasabing lugar.
Malugod namang tinanggap ng benepisyaryo ang mga ibinahagi at sila’y nagpapasalamat sa kapulisan dahil madalas nilang isagawa ito sa kanilang lugar.
Layunin ng isinagawang PNP Good Deeds na maiparamdam sa mga mamamayan ang tunay na pagmamalasakit at upang madagdagan pa ang pagtitiwala sa kapulisan.
Source: 3rd Platoon Nueva Vizcaya PMFC
Panulat ni Pat Rustom T Pinkihan