Alinsunod sa Adopt a Family Program ng PNP, patuloy na nagsasagawa ng PNP Good Deeds ang Santiago PNP sa pamamagitan ng pamamahagi ng grocery items sa iba’t ibang barangay ng lungsod noong Oktubre 26, 2022.
Sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Myla Paguyo, OIC, CMFC, naipamahagi ng mga miyembro ng kapulisan ng 1st at 4th Platoon CMFC ang nasabing grocery items sa sampung sambahayan.
Malugod namang tinanggap ng mga benepisyaryo ang grocery items at sila ay lubos na nagpapasalamat sa kapulisan.
Layunin ng isinagawang PNP Good Deeds na maiparamdam sa mga mamamayan ang tunay na pagmamalasakit ng PNP sa ating mamamayan.
Source: CMFC, SCPO
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos