Aurora – Naghatid ng libreng pangkabuhayan na “Palaisdaan” ang Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company para sa mga dating rebelde sa KM11, Dipaculao, Aurora nito lamang Huwebes, ika-6 ng Hulyo 2023.
Ang naturang livelihood program ay sa inisyatibo ni Police Lieutenant Colonel Cielo Caligtan, Force Commander ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company.
Ito ang agarang tulong ng mga awtoridad sa mga benepisyaryo sa pag-aalaga ng isda sa loob ng anim na buwan at nakapag-ani ng 50 kilong isdang tilapia.
Lubos naman ang galak at pasasalamat sa ibinigay na oportunidad at alternatibong paraan para sa paghahanap-buhay na nagpapatunay lamang ng malasakit ng Aurora 2nd PMFC upang siguraduhin na mayroong magandang kinabukasan sa kamay ng pamahalaan ang mga nagbalik-loob na dating mga rebelde.