Nagbigay liwanag at pag-asa ang karagdagang solar lights bilang bahagi ng “Pailaw Project” ng 1st Benguet Provincial Mobile Force Company sa Barangay Cabiten, Mankayan, Benguet nito lamang Marso 18, 2025.
Ang naturang proyekto ay naisakatuparan sa inisyatibo ng 1st Benguet PMFC sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Renny D Lizardo, Force Commander, katuwang ang mga Criminology intern students mula Benguet State University at ng CAGPTD ng Unit na kinakatawan ni G. Joemar Sacpa.
Maingat na nakapaglagay ng karagdagang mga solar streetlight sa daanan at pinalitan ang mga nasirang pailaw upang lalong mapabuti ang seguridad at kaligtasan ng komunidad sa nasabing barangay.
Ang mga bagong installed at pinalitan na sirang solar lights ay opisyal na ipinasa sa pangangalaga sa lokal na Pamahalaan ng Barangay Cabiten sa pamumuno ni Hon. Reynaldo S. Bandisa, Punong Barangay.
Bukod pa dito, emosyonal na nagpasalamat si Hon. Bandisa sa ipinamalas na malasakit sa kanyang nasasakupanan at patuloy na dedikasyon ng Benguet 1st PMFC sa pagpapabuti sa komunidad at nagbibigay liwanag sa Cabiten hindi lamang sa literal kundi pati na rin sa misyong isulong ang kapayapaan, seguridad, at kaunlaran.
“Ang Proyektong Pailaw ng Pulisya ay napakalaking tulong at magsisilbing karagdagang proteksyon at seguridad sa kaligtasan ng mamamayan lalo na sa mga naglalakbay sa gabi”, saad ni Hon. Bandisa.
Ang bago at pinalitang solar streetlights ay sumisimbolo sa magkatuwang na responsibilidad sa pagitan ng kapulisan at mga lokal na opisyal sa pagpapaunlad ng mas maliwanag at ligtas na pamayanan.
Panulat ni PMSg Ermilinda Cacliong