Tublay, Benguet – Naghandog ng “Pailaw Project” ang Benguet Police Provincial Office sa Sitio Cabutotan, Caponga, Tublay, Benguet nito lamang Miyerkules, ika-4 ng Enero 2023.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Tublay Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Jonathan Pulig, Acting Chief of Police, Tublay MPS, kasama ang Local Government Unit at Barangay Local Government Unit ng Caponga sa pangunguna ni Punong Barangay Al Norwin Suaking.
Ang mga nasabing grupo ay naghandog ng dalawang solar power lights at inilagay sa eskinita o foot path upang magbigay liwanag sa daanan at maiwasan ang mga insidente ng krimen para sa benepisyo ng 74 na kabahayan sa nasabing lugar.
Nagsagawa rin ng turn-over ceremony sa naturang proyekto na binasbasan ni Pastor Elnard Sisno.
Ito ay kaugnay sa PNP KASIMBAYANAN o ang Kapulisan, Simbahan at Pamayanan na naglalayong mapagtibay ang ugnayang pulisya at iba’t ibang sector at upang makapagbigay ng libreng ilaw lalong-lalo na sa malalayo at liblib na lugar.
Source: Tublay Municipal Police Station
Panulat ni Pat Raffin Jude Suaya/RPCADU Cordillera