Nagsagawa ng pagtuturo sa ilalim ng puno si PCpl Jacquilyn C Guifaya ng Naguilian Police Station sa pamumuno ni Police Major Junneil Perez, Chief of Police sa mga batang kapus-palad sa munisipalidad ng Naguilian, Isabela noong Nobyembre 9, 2022.
Ayon kay PCpl Guifaya, tinawag niya ang mga bata sa kani-kanilang bahay kasama ng mga magulang nito at inipon sa ilalim ng malaking puno.
Bukod sa wala naman silang ginagawa, mainam nang maturuan sila. Lubos naman ang galak ng mga magulang ng mga bata dahil nakita nila ang galak at aktibong pakikinig ng kanilang nga anak.
Ibinahagi ni PCpl Guifaya ang kuwento tungkol sa “Pagong at Matsing”. Lalo pang natuwa ang mga bata dahil pagkatapos maturuan ng magandang aral mula sa narinig na kuwento ay nabigyan pa sila ng mga candies at chocolates.
Hinikayat naman ni PCpl Guifaya ang mga magulang na makiisa sa programang pangkapayapaan ng PNP at huwag mag-alinlangan na isuplong sa himpilan ng pulisya anuman ang makita nilang krimen o ilegal na gawain sa lipunan.
Layunin ng Naguilian PNP na maprotektahan ang bawat mamamayan sa komunidad at makapaglingkod ng maayos sa bayan.
Source: Naguilian Police Station
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos