Dumalo sa pagtatapos ng 15-Day Training ng mga kabataan ang Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 15 sa Brgy. Cablong, Pozorrubio, Pangasinan nito lamang Oktubre 6, 2023.

Pingunahan ang aktibidad ni Mr. Jose Chan, Chairman, Career Builders Training And Assessment Center (CBTAC) Inc., at ni Acting Force Commander, RMFB 15, Police Lieutenant Colonel Ruel Tagel.
Ang mga kabataan ay sumailalim sa 15 Days training on Carpentry na pinangasiwaan ng mga tauhan ng CBTAC at sa ilalim ng programa ng RMFB 15 IMPLAN “Balik Akademya.

Ang mga nagtapos ay tumanggap ng certificate of completion at nakatakda na magkakaroon ng contract signing sa DATEM Inc. Ortigas matapos ang seremonya.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng pagkakataon ang mga financially challenge student at mga out-of-school youth na makapagtapos ng pag-aaral at matulungan na magkaroon ng kasanayan na kanilang magagamit upang pagkakitaan.