Maguindanao – Nagkaroon ng pagsabog sa kahabaan ng National Highway, Brgy. Mother Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao nito lamang Linggo, Mayo 8, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Lucky Sibayan, Officer-in-Charge, Shariff Aguak Municipal Police Station bandang alas 7:15 ng gabi nang mangyari ang pagsabog.
Ayon pa kay PLt Sibayan, matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen, ang Shariff Aguak PNP ay agad na rumesponde at nagsagawa ng imbestigasyon sa pinangyarihan ng krimen kung saan dalawang hand grenade ang ibinato ng mga hindi pa nakikilalang suspek.
Walang namang nasaktan sa insidente at walang pinsalang natamo mula sa pagsabog.
Dagdag pa rito, agad na nagsagawa ng clearing at imbestigasyon ang mga rumespondeng PNP para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz