Tuesday, November 26, 2024

Pagpoprotesta ng Kabataan Party List hinarang ng Batasan PNP

Batasan Hills, Quezon City — Pinigilan ng mga kapulisan ng Batasan Police Station ang pagproprotesta ng grupo ng Kabataan Partylist sa harap ng Pres. Corazon C. Aquino Elementary School sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City nito lang umaga ng Lunes, Agosto 22, 2022.

Ayon kay PBGen Nicolas D Torre lll, Acting Director ng QCPD, una nang humingi ng permiso ang nasabing grupo sa QCPD Police Assistance Desk na mamigay ng alcohol at school supplies para maitago ang kanilang intensyon, kaya pinayagan silang magpuwesto malapit sa gate. Gayunpaman, bigla silang naglabas ng mga streamer at placards at magdaraos na sana ng programa sa harap mismo ng gate ng paaralan na naging sanhi ng pagkagambala sa pagpasok ng mga magulang at estudyante na nagresulta ng mahabang pila.

Ayon pa kay PBGen Torre lll, isang concerned citizen ang nagsumbong sa Batasan Police Station (PS 6) kung kaya agad na nagpadala ang QCPD ng mga pulis upang bigyan ng babala ang mga nagprotesta at hiniling na tanggalin ang kanilang mga plakard dahil nagdudulot ito ng takot sa mga bata at magulang sa pagpasok sa nasabing paaralan.

Gayunpaman, sa kabila ng mga negosasyon, tumanggi ang mga itong umalis sa lugar. Sa pagkakataong iyon, kinumpiska ng mga pulis ang kanilang mga streamers at placards.

Alinsunod sa Ligtas Balik-Eskwela SY 2022-2023 operational guidelines at procedures, nakipag-ugnayan at nakipagpulong ang mga Station Commander sa mga otoridad ng paaralan, mga asosasyon ng mga magulang at guro upang magbigay ng mga serbisyo sa kaligtasan ng publiko sa mga paaralan. Nagtayo rin ng mga Police Assistance Desk (PADs) malapit sa pasukan ng mga school campus sa Quezon City.

Samantala, nagpapasalamat naman ang mga magulang at estudyante sa agarang aksyon ng mga tauhan ng QCPD na nagresulta sa matagumpay na dispersal ng mga nagprotesta.

Ani naman ni PBGen Torre III, “Hindi namin sinisiraan ang anumang grupo sa halip ay hinihikayat namin na mamutawi ang BAYANIHAN sa bawat isa sa pagsuporta sa “BALIK ESKWELA 2022.” Gayundin, ang mga tauhan ng QCPD ay palaging mag-oobserba ng maximum tolerance ngunit mahigpit na ipapatupad ang batas lalo na sa pagharap sa mga nagpoprotesta, gayunpaman, kung ayaw sumunod ng mga ito, hindi tayo magiging maluwag sa kanila dahil kaligtasan pa rin ng publiko at peaceful na face to face classes ang ating adhikain.”

Ang pulisya ng QCPD ay patuloy na magbabantay sa mga paaralan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa Quezon City.

Source: Pio Qcpd

###

Panulat ni PSSg Remelin Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles