Pinangunahan ng PNP Officers’ Ladies Club (PNP OLC) kasama ang Soroptimist International (SI) of Kaagapay at Manila Water Foundation (MWF) ang pagpapasinaya sa multi-faucet hand hygiene facility sa Camp Efigenio C Navarro sa Calapan City, Oriental Mindoro noong Setyembre 13, 2021.
Ang nasabing programa ay kaugnay ng “Sabi ni ‘Nay, Maghugas ng Kamay: Lingap sa Kapulisan” project, kasama ang mga PNP OLC, SI Kaagapay at Manila Water Foundation na naglalayong mapangalagaan at maproteksyonan ang mga naglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga hygiene kit facilities at pamamahagi ng mga hygiene supplies.
Bukod pa dito ay nag-abot din ang Manila Water Foundation ng mga hygiene kit na may mga sabon ng P&G Safeguard upang ipatupad ang paggamit ng hand hygiene facility at hikayatin ang palagiang paglilinis at wastong paghuhugas ng kamay.
Samantala, pinangunahan pa rin nina Ginang Rosalie “Lally” H. Eleazar, Adviser, PNP OLC, District Director-Elect, SI Kalakhang Maynila, Ginang Marijo C Bondoc na kinatawan ng naturang Distrito, Bise Presidente, Ladies Officers ‘Ladies Club National, Adviser, PNP Officers’ Ladies Club MIMAROPA Chapter, Chapter President ng Soroptimist International Kabayan, ang Blessing at Inagurasyon ng bagong ginawang PRO MIMAROPA Hand Hygiene Facility.