Isabela – Inilunsad ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company ang Project Makabaryo (Serbisyong May Malasakit Katuwang ng Baryo) at Community Outreach program sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Avelino Canceran Jr na ginanap sa Brgy. Villaflor at Rogus Elementary School, Cauayan City, Isabela noong ika-5 ng Setyembre 2023.
Katuwang sa aktibidad ang DOST, Department of Agriculture Cauayan, Maharlika Masonic L Lodge No.108, NICA 86th Infantry Battalion, XFM, Brigada News FM, CHO, LGU Cauayan at Dra. Rizalina S Sagaysay.
Isinagawa sa naturang aktibidad ang medical check-up, pamamahagi ng vitamins at mga gamot, eye check-up na may free eyeglasses, libreng gupit, pamamahagi ng tsinelas sa mga bata, school supplies, food packs at mga punla.
Nagsagawa din ng feeding program na lalo pang ikinagalak ng 500 benepisyaryo. Ang lahat ng naipamahagi ay may kabuuang halagang Php89,000.
Samantala, pinangunahan naman ni Jack Espiritu, ARD NICA at Manly Ferrer Peace Advocate NICA ang lecture hinggil sa NTF-ELCAC at mapanlinlang na recruitment ng CTGs.
Si Mark Guillermo naman ng DA Agriculture Technician ay nagturo hinggil sa Urban Gardening habang si PSSg Joeriel Seroma ay tinuruan ang mga magulang na gumawa ng dishwashing liquid.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Police Lieutenant Colonel Canceran sa mga tumulong at sumuportang stakeholders at mga sektor ng lipunan sa inilunsad na Best Practice na Project Makabaryo at sa isinagawang aktibidad.
Ayon sa kanya, patuloy na isasagawa ang proyekto sa iba pang dako ng siyudad upang makapag-abot ng tulong sa mamamayan lalo na sa mga maralitang pamilya.
Source: 2nd IPMFC
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos