Calamba City – Pormal na naisakatuparan ang paglagda ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng Philippine National Police at Christian Coalition Movement kasabay sa pagdaraos ng Traditional Monday Flag Raising Ceremony sa National Training Center, Camp BGen Vicente P Lim, Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna nito lamang Disyembre 12, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Raymundo Gary Mayuga, Chief, NHQ NSUs TC; Bishop Jesus Monzon Gariando, National Core Member ng CCM; mga staffs at police trainees.
Tampok dito ang paglagda sa programa na binubuo ng pagkakaisa at pagtutulungan ng Kapulisan at Simbahan sa pagtaguyod at pagpayaman sa kasalukuyang PNP peace and security framework na M+K+K=K o ang Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.
Sa mensahe ni Bishop Gariando, na siyang nagsilbing panauhing pandangal at tagapagsalita sa naturang aktibidad, patuloy nilang gagampanan ang tungkuling ipamahagi ang salita ng Diyos na siyang ilaw at inspirasyon ng lahat ng kapulisan o ng mga mamamayan sa pagkamit ng pag-asang magkaroon ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin