Eastern Samar (January 5, 2022) – Sa pagpasok ng bagong taon ay isa na namang Senior Citizen ang naging benepisyaryo sa ilalim ng proyektong Pagkalinga sa Senior Citizen ng 1st Eastern Samar Mobile Force Company.
Binisita ng Police Community Affairs Section Team ng 1st ESPMFC sa pangunguna ni PLt Angelyn Glou Cortado, Admin at PCAS Officer sa patnubay at pangangasiwa ni PLtCol Joy G Leanza, Force Commander ang isang (1) senior citizen na si Tatay Santos, 61 taong gulang na tanging pagsasaka ang hanap-buhay sa Brgy. Batiawan, Taft, Eastern Samar.
Isa lamang si Tatay Santos sa maraming nahandugan ng nasabing tanggapan simula pa noong nagdaang taon at patuloy itong maghahatid ng tulong at pagkalinga sa ating mga Senior Citizen.
Maraming salamat sa inyong malasakit sa ating mga lolo at lola, 1st Eastern Samar PMFC!
#############
Panulat ni Pat Rialyn Valdez