Quezon City (December 14, 2021) – Tuluyan ng nawasak at humina ang hanay ng New People’s army ayon sa idinaos na National Joint Peace and Security and Coordinating Council (JPSCC) Meeting noong Disyembre 14, 2021 sa PNP Multi-Purpose Center, Camp BGen Rafael Crame, Quezon City.
Pinangunahan ni Police General Dionardo Carlos, Chief of the Philippine National Police; Lieutenant General Andres Centino, Chief of Staff of the Armed Armed Forces of the Philippines (AFP); at Admiral Leopoldo Laroya ang Commandant ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naturang pagpupulong kung saan tinalakay ang paghahanda sa seguridad ng National and Local Elections 2022 at ang mga hakbang ng tatlong ahensya sa kampanya ng pamahalaan kontra insurhensya at terorismo.
Kasabay ng aktibidad, nilagdaan nina PGen Carlos at LtGen Centino ang JPSCC Resolution No. 15-2021 upang pormal na ideklara ang pagkabuwag ng apat (4) na Guerilla Fronts at paghina ng pitong (7) iba pa; at pagkabuwag ng isang (1) Vertical Unit ng New Peopleās Army.
Kabilang sa mga grupong nabuwag ang Central Front Samar 1 (CFS1), Sub-Regional Committee (SRC) BROWSER, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC); Front Committee 6 (FC6), SRC BROWSER, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC); Front Committee (FC) South East (SE), Sub-Regional Committee (SRC) SESAME, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC); at Guerilla Front 55, Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).
Sa patuloy na anti-terrorism operations ng PNP at AFP, tuluyan nang humina ang Central Front (CF), Komiteng Rehiyon-Panay; South West Front (SWF), Komiteng Rehiyon-Negros-Cebu-Bohol-Siquijor (KR-NCBS); Bohol Party Committee (BPC), Komiteng Rehiyon-Negros-Cebu-Bohol-Siquijor (KR-NCBS); Larangan 1 (L1), Komiteng Probinsya 5 (KP5), Bicol Regional Party Committee (BRPC); Larangang Gerilya-Abra Mountain Province-Ilocos Sur (KLG AMPIS), Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC); Guerilla Front 89 (GF89), North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC); at Guerilla Front Malayag, North Central Mindanao Regional (NCMRC).
Samantala, nabuwag na rin ang Vertical Unit ng NPA na Komiteng Sangay sa Platun (SPN) āPUSAā, Komiteng Probinsya 2 (KP2), Bicol Regional Party Committee (BRPC).
Dahil dito, inaasahan na magiging mas mapayapa ang idaraos na eleksyon sa susunod na taon sapagkat hindi na kakayanin pa ng mga NPA na maka pagsagawa ng extortion at maningil ng mga tinatawag nilang “campaign fees” sa mga kandidato .
Ang JPSCC ay binuo upang mas mapaigting ang koordinasyon at pagtutulungan sa pagitan ng AFP, PNP at PCG. Layon nito na mapaghusay ang kooperasyon ng pulisya at militar para mas epektibong matugunan ang problema sa terorismo at iba pang peace and security concerns sa bansa.
#####
Likas ang may kaalaman, mapagmatyag at may matalas na pakiramdam upang d maisahan sa ano mang scam ng mga mapaglinlang.
Congrats po AFP,PNP at PCG
Godwilling mga Sir
Wow…good job PNP