Inilunsad ng mga miyembro ng Tabuk City Police Station ang koordinasyon, preparasyon at paghahanda sa hagupit ng bagyong Carina na inaasahang mararamdaman ang malakas na ulan sa iba’t ibang bahagi ng Tabuk City, Kalinga nito lamang Huwebes, Hulyo 25, 2024.

Saad ni Police Lieutenant Colonel Jolly N Ngaya-an, Chief of Police ng Tabuk City Police Station, nakipag-ugnayan na ang pulisya sa mga barangay officials sa naturang lugar upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Napag-alaman na kasamang mino-monitor ng pulisya ang mga lugar na bahain at ang pagtaas ng tubig ng Chico River.

Koordinasyon at pakikipagtulungan ng mamamayan ang panawagan ni PLtCol Ngaya-an upang mas mabilis masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng kanilang nasasakupan dahil bukas at nakatutok ang Tabuk PNP sa anumang oras lalo na sa panahon ng kalamidad.
Source: Tabuk City Police Station
Panulat ni PSSg Grace Neville L Ortiz