Mapayapa at naging matagumpay ang naging pagdiriwang ng All Saints’ Day at All Souls’ Day sa buong rehiyon ng Central Visayas, ayon sa Police Regional Office 7, Huwebes, Nobyembre 3, 2023.
Habang wala namang naiulat na insidente sa buong panahon ng makabuluhang okasyon.

Pinuri ni Police Brigadier General Anthony Aberin, Regional Director ng PRO 7, ang lahat ng mga yunit ng pulisya gayundin ang mga Local Government Units, Civic Groups, Force Multipliers, at iba pang ahensya ng gobyerno sa walang humpay na pagbabantay at nagkakaisang pagsusulong ng operasyon para sa kaayusan at seguridad.

“Ang mataas na antas ng pakikipagtulungan at koordinasyon sa ibang ahensya ng gobyerno at Local Government Units sa Central Visayas ay nagbigay ng kaligtasan ng publiko, seguridad, maayos na ruta at daloy ng trapiko habang ang pagkakatatag ng police assistance desks ay nasiguro ang seguridad ng mga bumisita sa mga yumaong mahal sa buhay sa pagtalima sa UNDAS 2023,” ayon sa heneral.
SOURCE: PIO PRO 7