Davao de Oro – Paggawa ng basahan ang naging kabuhayan ng mga kababaihan sa tulong at suporta ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Cluster 11 sa Purok 2A, Brgy. Magnaga, Pantukan, Davao De Oro nito lamang Huwebes, Marso 17, 2022.
Sa pangatlong pagkakataon sa pangunguna ni PLt Jeanette Pagtulong, Team Leader ay muli na namang naghatid at nagkaloob ng libreng mga pinaglumaang damit ang mga tauhan ng R-PSB Cluster 11 sa mga kababaihang miyembro ng Magnaga Ladies Friend Association, ang People’s Organization na kanilang binuo para sa pagpapalago ng kanilang kabuhayan.
Ito ang ginagamit ng mga kababaihan sa paggawa ng iba’t ibang uri ng basahan at pot holder na kanilang ibinebenta upang kumita ang kanilang organisasyon, kaya naman walang katapusang pasasalamat ang kanilang tanging sambit sa mga tauhan ng R-PSB Cluster 11.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong suportahan ang nasabing PO sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga materyales na kailangan para mapanatili at mapalago ang kanilang pinagkakakitaan. Sa pamamagitan rin nito ay mapapanatili at mas napagtitibay ang magandang ugnayan ng kapulisan sa komunidad.
###
Panulat ni Police Corporal Mary Metche A Moraera