Monday, April 28, 2025

Pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa Eastern Visayas, naging mapayapa

Leyte – Naging mapayapa at maayos ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa buong rehiyon ng Eastern Visayas, ayon sa Police Regional Office 8 sa inilabas nilang pahayag nitong Enero 2, 2024.

Ayon kay Police Brigadier General Reynaldo H Pawid, Regional Director, walang naiulat na mga kaso ng ilegal na pagdiskarga ng mga baril, ligaw na bala, at mga insidente ng sunog na dulot ng mga paputok.

Gayunpaman, ang PRO 8 at ang Department of Health Regional Office 8 ay nakapagtala ng 12 firecracker-related incidents/injuries, na walang nasawi.

Mayroong dalawang pag-aresto na ginawa mula sa mga hindi awtorisadong nagbebenta ng paputok sa Laoang, Northern Samar at Gen. MacArthur, Eastern Samar.

Sa pinaigting na kampanya laban sa mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnic device, ang PRO 8 ay nagsagawa ng serye ng mga inspeksyon sa buong rehiyon kung saan personal na ininspeksyon ni PBGen Pawid ang mga nagtitinda at stall ng paputok sa Tacloban City, Dulag, Tanauan, at sa Alang-Alang, Leyte.

May kabuuang 4,006 piraso ng ilegal na paputok at pyrotechnic device ang nakumpiska kung saan 1,696 piraso mula sa Tacloban City Police Office, 1,307 mula sa Eastern Samar Police Provincial Office, 823 mula sa Leyte PPO, 30 mula sa Northern Samar PPO, at 150 piraso mula sa Samar PPO. Ang mga nakumpiskang bagay ay may kabuuang tinatayang halaga na Php137,125.

Pinuri naman ni PBGen Pawid ang lahat ng uniformed personnel, ang lokal at iba pang ahensya ng gobyerno at mga grupo ng advocacy group sa pagbibigay ng tungkulin at pagpapanatili ng kampanya laban sa kriminalidad at kaligtasan ng publiko kasama ang suporta at kooperasyon ng komunidad.

Mensahe ni PBGen Pawid, “PRO 8 will remain consistent in its efforts to maintain the peace and order in Eastern Visayas. We continuously appeal to the public for your unwavering support and cooperation in all our public safety and peacekeeping campaigns to deter the occurrence of crimes”.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,540SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles