Pinangunahan ng kapulisan ng Baco MPS ang paglunsad ng Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan Towards National Recovery sa Brgy. Poblacion, Baco, Oriental Mindoro upang magbigay ng tulong sa mga kababayan nating Bacoeño.
Kasama sa naturang aktibidad ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nagkaloob ng tulong at naghatid ng kani-kanilang serbisyo gaya ng LGU Baco and MHO (Baco Municipal Health Office) na nagsagawa ng pagbabakuna kontra COVID-19 na bukas sa lahat ng mamamayan ng Baco kung saan 156 na Moderna Vaccine at 128 Sinovac na pawang mga 1st dose ang naging benepisyaryo nito.
Bukod dito, nagsagawa din ng tree planting activity ang kapulisan ng Baco MPS kasama ang mga tauhan ng MENRO at mga guro ng Benito R. Villar Memorial Elementary School, Brgy. Poblacion, Baco, Oriental Mindoro at nakapagtanim ng 50 puno ng Narra na ipinagkaloob ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO).
Nasa 334 na benepisyaryo ang nabahagian ng tulong mula sa mga naturang ahensiya.
#####
Article by Patrolman Mark M Manuba