Higit 700 na pamilya ang natulungan ng sabay sabay na pagsasagawa ng “Duterte Legacy: BARANGAYanihan Towards National Recovery” sa iba’t ibang bayan ng Bulacan noong ika-19 ng Oktubre taong kasalukuyan.
Katuwang ang iba’t ibang Local Government Unit ng Meycuayan, Malolos, Marilao, Bocaue, at Balagtas ay matagumpay na naisagawa ang nasabing aktibidad sa kanilang nasasakupan.
Dinaluhan ito ni PMGen Rhodel O Sermonia, TDO at PMGen Bartolome R Bustamante, TDPCR kasama si PCol Manuel M Lukban Jr., Acting Provincial Director, Bulacan PPO.
Nakatanggap ang mga residente ng libreng serbisyo mula sa gobyerno tulad ng libreng gupit, pagkuha ng police clearance, at National ID. Nagsagawa din ng mga lectures para sa Fire Safety at Drug Awareness. Kasabay din nito ay ang pamimigay ng mga food packs sa mga residente na labis na nakakaranas ng hirap dahil sa pandemya.
####
Article by Patrolwoman Maria Elena S Delos Santos