La Union – Isinagawa ng La Union PNP ang Padyakan sa La Union Police Provincial Office La Union Leg kaugnay sa Secure, Accurate, Free and Fair National and Local Elections 2022 nitong Sabado, Abril 23, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Provincial Director, Police Colonel Jonathan Calixto ng La Union Police Provincial Office at dinaluhan ni Police Brigadier General Emmanuel Peralta, Regional Director ng Police Regional Office 1.
Dumalo din ang mga kinatawan ng Bureau of Fire Protection, Criminal Investigation and Detection Group, Commission on Elections, National Citizens’ Movement for Free Elections, National Intelligence Coordinating Agency, Air Force, Navy, Coast Guard, Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang mga mahilig sa bike mula sa buong lalawigan.
Sinimulan ang aktibidad sa isang masinsinang panalangin na sinundan ng basic exercises.
Nagsagawa din ng area route security ang mga PNP mula sa siyudad ng San Fernando, La Union upang masigurado ang seguridad ng mga lumahok na bikers.
Ang isang 27.8-kilometer na ruta ay payapang naidaos ng halos isang libong kalahok.
Layunin nitong isulong ang pagkakaisa sa lahat ng sektor upang magtulungan para sa mapayapa, maayos at malinis na halalan sa darating na ika-9 ng Mayo 2022.
###