Dinaluhan ng 150 katao, kabilang ang mga pedicab drivers at Persons Who Used Drugs (PWUDs) ang seminar at gift-giving activity na may temang “PADJAK Tungo sa Kapayapaan at Kaunlaran” Katuwang ang Tabaco City Anti-Drug Abuse Council (CADAC), nito lamang ika-26 ng Agosto 2024 sa Casa Ver’Amore, Karangahan Blvd., Tabaco City.
Ang nasabing programa ay bahagi ng best practice initiative ng Tabaco City Police Station na tinatawag na PADJAK “Pamayanang Ayaw sa Droga, Jueteng at Kriminalidad,” na naglalayong magbigay ng mahalagang kaalaman sa mga miyembro ng komunidad.
Naging bahagi ng seminar ay mga mahahalagang paksa tulad ng drug awareness, traffic rules and regulations, mga ordinansa, at crime prevention tips.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Engineer Arnold Onrubia, Coordinator ng Provincial Planning Development Office, bilang kinatawan ni Hon. Arnulfo Onrubia, at Hon. Sheena Onrubia, Board Member na kumatawan kay Hon. Grex B. Lagman, Gobernador ng Lalawigan ng Albay.
Sa pagtatapos ng aktibidad, ipinahayag ni PLtCol Edmundo A Cerillo Jr, OIC ng Tabaco City Police Station ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa. Aniya, “Ang ating paglalakbay tungo sa kapayapaan at kaunlaran ay sama-sama nating tatahakin, at sa bawat padyak ng ating mga pedicab drivers, kasama ang bawat miyembro ng komunidad, ay mas titibay ang ating layuning magtaguyod ng isang ligtas at progresibong bayan.”
Photo Credit/Article: Tabaco CPS of Albay PPO
Panulat ni PCpl Brian B Imperial