Lanao del Norte – Masigasig na namahagi ng packed lunch at mga laruan ang mga tauhan ng Police Community Affairs and Development Unit ng Lanao del Norte Police Provincial Office sa Bucana, Brgy. Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte nito lamang Biyernes, Enero 6, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Isaias Bacurnay Jr., Provincial Director ng Lanao del Norte Police Provincial Office.
Naipamahagi ang mga pagkain at laruan sa mga kabataang apektado ng baha at walang mapagsidlan ang tuwa at galak ng mga ito.
Ang Pambansang Pulisya ay hangad ang malasakit sa mga mamamayan partikular sa mga kababayan nating lubos na nangangailangan ng tulong tungo sa ikauunlad ng ating bansa.
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU 10