Friday, January 24, 2025

P3.4M na droga, nakumpiska sa Lanao del Sur; mangingisda, nalambat ng awtoridad

Malabang, Lanao del Sur—Nalambat ng pinagsanib na pwersa ng PNP Lanao del Sur at PDEA ang isang mangingisda sa isinagawang buy-bust operation ngayong Agosto 21, 2024 na nagresulta sa pagkakakumpiska ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa tatlong milyong piso.

Arestado ang isang alyas “Amenola” dakong 12:30 PM nitong araw nang ikasa ng mga kawani ng 2nd Lanao del Sur Provincial Mobile Force Company (PMFC), Malabang Municipal Police Station, 4th SAB, 41SAC PNP Special Action Force, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang buy-bust operation sa Brgy. Bacayawan, Malabang, Lanao del Sur.

Nakumpiska sa suspect ang isang zip lock plastic sachet na naglalaman ng kalahating kilo ng hinihinalang shabu, buy-bust money, isang cellphone at iba’t ibang ID.

Si alyas “Amenola” ay isang kilalang personalidad na nagsusuplay ng ilegal na droga sa lugar na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad.

Matapos mabasahan ng kanyang mga karapatan sa ilalim ng Konstitusyon ay isinailalim ang naturang lalaki sa kustodiya ng PDEA upang maisagawa ang pag aayos ng mga dokumento para sa ihahaing kaso laban sa kanya sa ilalim ng Republic Act 9165.

Ayon naman kay Police Lieutenant Colonel Alpaser S. Haber, Force Commander ng 2nd PMFC, ang mapayapang operasyon ay dulot ng isang matagumpay at malalim na pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang tanggapan ng gobyerno at ng komunidad.

“Sa pagtutulungan po ng PDEA, PNP, at iba’t ibang stakeholder ay matagumpay po nating nadakip ang isa na namang drug personality nang walang dumadanak na dugo.”

Ayon pa sa kanya, ang pagkakahuli kay “Amenola” ay isang bantayog ng tagumpay ng pamayananan laban sa iba’t ibang uri ng kriminalidad.

“Ito po ay isang tagumpay ng bawat mamayang Bangsamoro laban sa mga krimen at tagumpay para sa mga taong nailigtas natin mula sa pagkalulong sa droga,” aniya.

Siniguro ng kapulisan na makaaasa ang pamayanan ng sunud-sunod na ganitong uri ng mga operasyon tungo sa isang mapayapa at masaganang bagong Pilipinas.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles