Hindang, Leyte (January 27, 2022) – Matagumpay na naisagawa ng mga kapulisan ng Leyte Police Provincial Office ang Community Outreach Program sa mga biktima ng bagyong Odette noong ika-27 ng Enero 2022 sa Brgy. Himokilan Island, Hindang, Leyte.
Umabot sa kabuuan na 142 sambayahan ng Brgy. Himokilan Island ang nakatanggap ng food packs, vitamins/supplements at mga damit.
Nakatanggap din ang 150 na mga kabataan ng pagkain at mga laruan mula sa kagandahang loob ni Ms. Angel Gomez-Wilford na miyembro ng Foreign National Keeper’s Network (FNKN) Advocacy Support Group.
Ang naturang programa ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng mga tauhan ng Leyte Police Provincial Office, sa pangunguna ni PLtCol Rey B Cabelin, Chief, Police Community Affairs and Development Unit (PCADU), katuwang ang opisina ng PIO, WCPD at Hindang Municipal Police Station kasama din ang Provincial Government, Leyte Provincial Social Welfare and Development Office at FNKN Advocacy Support Group ng PNP.
####
Salamat sa paglilingkod at malasakit sa kapwa..