Hindi naging hadlang ang malakas na ulan dala ng Bagyong Julian upang maisakatuparan ang Outreach Program na hatid ng mga kapulisan ng Regional Mobile Force Battalion 2 sa Barangay Aridowen, Santa Teresita, Cagayan nito lamang ika-29 ng Setyembre 2024.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Virgilio Vi-Con M Abellera Jr, Acting Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion, ang aktibidad na may temang “Birthday ko, Para sa Inyo”, kung saan ang mga kapulisan na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ay minabuting ipagdiwang sa piling ng mga katutubong Agta.
Dumalo din si Mr. Florante B Baylon, Presidente ng Tuguegarao City Heritage Group, 17th Do or Die Infantry Battalion, PRO 2 Chaplain Service, Pastor Remedios Amarles ng My Brother’s Keeper, Santa Teresita Municipal Police Station, Samahang Ilokano-Santa Teresita Chapter, Cagayan Valley Riders Federation, The Generics Pharmacy sa pangunguna ni Mrs. Roweala Abellera at iba pang mga private stakeholders.
Nagkaroon ng nutri-feeding, pamamahagi ng samu’t saring grocery items, hygiene kits, flashlights, pre-loved clothes, pre-loved stuff toys, mga bagong tsinelas at libreng gupit.
Nagtapos ang aktibidad na may baong ngiti at pag-asa ang humigit 60 pamilya at 72 na mga bata na naging benepisyaryo ng nasabing programa.
Patuloy ang ganitong programa upang magsilbing tulay sa paglalapit ng ating kapulisan sa komunidad tungo sa minimithing bagong Pilipinas.