Naga City – Tuloy-tuloy ang paghatid ng serbisyo ng mga tauhan ng Police Station 3 ng Naga City Police Office sa ating mga kababayan sa isinagawang Outreach Program sa Zone 5, Sitio Hacienda, Brgy. San Felipe, Naga City nito lamang ika-26 ng Marso 2023.
Pinangunahan ni Police Major Nollan Romobio, Station 3 Commander, ang pamamahagi ng food packs sa mga benepisyaryo ng nasabing lugar kasama ang isang Good Samaritan na hindi na nagpabanggit ng pangalan na nagdiriwang ng kanyang kaarawan, at katuwang din ang Barangay San Felipe sa pamamagitan ni Kagawad Juanita C. Ayobo at si Ms. Regina C. De Loyola, Focal Person ng Women’s Desk.
Nagbahagi din ang mga kapulisan ng mga paalala at gabay para sa maayos at ligtas na komunidad.
Pasasalamat at ngiti naman ang ganti ng mga benepisyaryo at residente ng nasabing lugar sa natanggap nilang tulong.
Ang naging hakbang ng Police Station 3 ng Naga City Police Office na makapaghatid ng tulong sa ating mga kababayan ay bahagi ng programa na isinusulong ng Pambansang Pulisya na M+K+K=K (Malasakit, Kaayusan, at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran) para sa mas matatag na ugnayan ng komunidad at pulisya.
Source: Police Station 3 of Naga City Police Office