Maasin City, Southern Leyte (February 25, 2022) – Matagumpay na isinagawa ng Officers’ Ladies Club at Maasin City Police Station ng Rehiyon 8 ang outreach program sa Barangay Mambajao, Maasin City, Southern Leyte, hapon ng ika-25 ng Pebrero 2022.
Naipamahagi ang 200 foodpacks at inuming tubig sa mga residente ng Brgy. Mambajao, sa pangunguna ni Dr. Grace N. Camasin, katuwang ang Maasin City Police Station.
Nakiisa rin sa naturang programa ang mga faculty at staff ng Eastern Visayas State University Dulag Extension Campus at mga opisyales ng nasabing barangay.
Bukod pa rito, namigay rin sila ng mga mansanas sa mga batang residente rin ng nasabing barangay.
Hangad ng nasabing aktibidad na mapasaya at matulungan ang ating mga kababayan na apektado ng pandemya at pamiminsala ni Bagyong Odette.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente sa lugar dahil sa tulong na kanilang natanggap.
###
Panulat ni Patrolman Edmersan Llapitan
Tunay n serbisyo publiko para s mamamayan