Macrohon, Southern Leyte – Alinsunod sa 2022 National Women’s Month Celebration na may temang “We Make Change Work for Women”, nagsagawa ng Outreach Program ang Southern Leyte Police Provincial Office na tinaguriang “Southern Leyte Juana, Kauban Mo sa Pagbangon” sa Brgy. San Joaquin, Macrohon, Southern Leyte nito lamang umaga ng Huwebes, Marso 17, 2022.
Ang aktibidad ay nilahukan ng lahat ng babaeng tauhan ng Southern Leyte Police Provincial Office at nilahukan ng Macrohon MSWDO, BFP Macrohon at Office of the Municipal Agriculture Services (OMAS).
May kabuuang 100 benepisyaryo ang nakatanggap ng mga relief goods, food packs at meryenda sa nasabing aktibidad.
Nais ng SLPPO na ipagpatuloy ang mga ganitong aktibidad sa pagiging sensitibo sa kasarian hindi lamang upang isulong ang pagbibigay-kapangyarihan sa kababaihan kundi pati na rin ang pagpapaunlad ng pagkakapantay-pantay ng kasarian.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn Valdez