Nagsagawa ang 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company ng Outreach Program sa Barangay Manga, Peñablanca, Cagayan noong ika-14 ng Pebrero 2025.
Pinangunahan ni Police Captain Martin C Calimag, Operations Officer ng 1st Cagayan PMFC katuwang ng grupo si Engr. Mark Djeron Tumabao, Regional Program Director ng Sierra Falcones, upang maiabot ang school supplies, libro at grocery packs sa mga mag-aaral at residente sa nasabing lugar.

Ang aktibidad ay sa ilalim ng Project SKUL-CARE (Students Keen Understanding on Localized Community Awareness for a Responsive Environment) at Project ASSIST (Awareness and Strengthened Support In GIDAS in Fight against Terrorism).
Ang PNP ay laging handa sa mga programa na maghatid ng tulong at serbisyo katuwang ang advocacy group upang patuloy na mapagtibay ang ugnayan sa komunidad.
Source: 1st Cagayan PMFC
Panulat ni PMSg Marilyn Maggay