Nagsagawa ng outreach program at bloodletting activity ang mga tauhan ng 1st Quirino PMFC sa Villamor Child Development Center, Brgy. Villamor, Cabarroguis, Quirino, nito lamang Disyembre 19, 2022.
Naisakatuparan ang proyekto sa pangunguna ni PEMS Bryan Dominic G Sapon, Force Executive Senior Police Officer sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Eugenio Mallillin, Force Commander kasama ang mga miyembro ng Company Advisory Group (CAG) na pinamumunuan naman ni Ms. Joan U. Javier, Chairperson, LBGTQIA+ Quirino sa pamumuno ni G. Janiceky Domingo, Presidente, at NARIAG Quirino Chapter sa pamumuno ni G. Eugenio Collado Jr.
Naging tampok ng aktibidad ang pagsasagawa ng bloodletting activity na pinangasiwaan ng Philippine Red Cross- Quirino Chapter sa pamumuno ni G. Amz Najera.
Nagkaroon din ng feeding program at gift giving kung saan 50 na estudyante ng nasabing development center ang naging benepisyaryo.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng 1st Quirino PMFC Really Cares Program kasabay ang pagdiriwang ng kaarawan ni G. Zadrach John Hareem Javier na piniling idaos sa pamamagitan ng nabanggit na aktibidad.
Source: 1st Quirino PMFC
Panulat ni PCpl Jermae D Javier