Quezon – Nagsagawa ng Outreach at Advocacy Program ang Women and Children Protection Center at Police Community Affairs and Development ng Quezon Police Provincial Office sa Elementary School, Sitio Ilaya Masalukot 3, Candelaria, Quezon nitong Huwebes, Abril 20, 2023.
Pinangunahan ang aktibidad ni Police Colonel Maricel Schmitt, Chief, Anti-Violence Against Women and Children Division katuwang ang Police Community Affairs and Development Unit na pinamunuan ni Police Major Elizabeth Capistrano, Chief, PCADU.
Ang mga naturang grupo ay namahagi sa 100 estudyante ng chuckie chocolate drink, pamaypay, multifunctional kit na maglalaman ng nail cutter at mansanas.
Samantala, lubos naman ang tuwa at saya ng mga bata habang kumakain ng mainit na sopas at hamburger na hatid ng grupo.
Ang mga ganitong programa ng PNP ay nagpapakita lamang na patuloy ang pagbibigay serbisyo at malasakit para sa maayos at maunlad na komunidad.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU4A