Sorsogon – Naging matagumpay ang isinagawang Outreach Activity ng mga tauhan ng 504th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 5 sa mga mag-aaral ng Esperanza Elementary School, Barangay Esperanza Pilar, Sorsogon nito lamang Agosto 29, 2023.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Renante Arambuyong, Company Commander kung saan mahigit limampung (50) mga kabataan ang nabigyan ng mga school supplies gaya ng mga lapis, ballpen, krayola, notebooks at mga papel.
Ang aktibidad ay isa sa “Best Practice” ng nasabing unit na may temang “Tabang sa Batit” na naglalayong matulungan ang mga piling mag-aaral na kulang sa mga kagamitan sa muling pagsisimula ng pasukan.
Ang PNP ay patuloy na magsasagawa ng mga aktibidad na naglalayong matulungan at mapabuti ang pag-aaral ng mga kabataan at mapalakas ang ugnayan ng pulisya at komunidad.
Source: 504th Maneuver Company, RMFB5