Pampanga – Patuloy ang pag-arangkada ng Optha Service ng Regional Medical and Dental Unit 3 sa Camp Captain Julian Olivas, San Fernando City, Pampanga nito lamang Huwebes, ika-16 ng Marso 2023.
Kabilang sa Enhanced Monitoring of Police Overall Wellness ng RMDU 3 ang Optha Service na kung saan nagkaroon ng libreng konsultasyon at pamimigay ng libreng reading glasses para sa Central Luzon PNP.
Ibinahagi ni Police Lieutenant Colonel Jesus Ostrea III, Chief, Regional Medical and Dental Unit 3, na ang Police Regional Office 3 ang may kauna-unahang Optical Clinic na ipinatayo.
Patuloy ang pamamahagi at serbisyo ng Optha Service na umabot sa 200 na ang naging benepisyaryo.
Samantala, sumailalim rin ang 400 sa Annual Physical Examination at nabigyan ng libreng gamot at vitamins sa naturang pagsusuri.
Layunin ng naturang programa na mabigyang atensyon ang ating kalusugan at mata na nagsisilbing gabay upang maging epektibo sa ating sinumpaang tungkulin.
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3