San Vicente, Palawan – Umarangkada ang Oplan to Share and Be Trained ng San Vicente PNP nito lamang umaga ng Martes, Abril 19, 2022.
Pinangunahan ni Police Major Thirz Starky Timbancaya, Acting Chief of Police ng San Vicente Municipal Police Station, ang pamimigay ng yero at pako para sa pagkukumpuni ng mga nasirang bahay dulot ng bagyong Odette sa mga residente ng Sitio Macatumbalen, Poblacion, San Vicente, Palawan.
Nasa sampung pamilya ang nabiyayaan ng nasabing programa na lubos na kinasaya ng naturang benepisyaryo.
Ang San Vicente PNP ay patuloy na tutulong sa mga nangangailangan upang sabay-sabay na malampasan ang unos na dala ng kalikasan.
Source: San Vicente Municipal Police Station
###
Panulat ni PSSg Grace Neville Ortiz
Maaasahan at sadyang matulungin ang mga kapulisan